Saturday, July 7, 2012

Coffee: Top 10 Most Popular Coffee Shops in the Philippines

Ibinahagi ni Cris Bautista ang Top 10 Pinakasikat na Coffee Shops sa Pilipinas . Kunin na ang mga lapis at papel at ilagay sa listahan ng mga dapat mong masubukang tikman.
10. Cafe Capreal
Ito ang tanging coffee shop sa bansa na nagtitinda ng mga sugar-free coffee products--ideal para sa mga diabetic coffee lovers na hindi kayang bitiwan ang kanilang pagkahilig sa kape. Reasonable ang kanilang mga presyo ngunit nag-iisa lamang ang branch kung kaya't mahirap mapuntahan ng kahit sinuman. Ang naturang branch ay sa Retiro, Manila.
9. McDonalds' McCafe
Dahil sa dami ng McDonalds sa bansa, hindi makakailang ito ang isa sa mga pinakatinatangkilik na kapihan ng karamihan.
8. UCC Cafe Plaza
Ang kanilang Euro-Japanese fused food, free Wi-Fi internet at iba't-ibang konsepto ay talagang nakakaakit sa maraming Pinoy. Marami na rin silang branches sa buong Pilipinas at sa walo pang ibang bansa. Simple lang ang kanilang layout ngunit kahit papaano ay may kalidad.
7. Cafe de Lipa
Nagsimula bilang isang lokal na kapihan sa Batangas, ito ay nag-branched out sa mainstream market sa Manila at naging isa sa mga pinakabinibisitang kapihan sa buong bansa. May mga branches na rin sila sa SM Mall of Asia at Market! Market!
6. Seattle's Best Coffee
Ang smooth at sweet na dama at lasa na hatid ng mga kape ng SBC ay swak sa panlasa ng mga Pilipino. Kasama pa ang kanilang mga masasarap na pasta at pastries, ang kanilang mga kombinasyon ay talaga namang nag-uudyok sa mga Pilipino na magpabalik-balik.
5. Coffee Bean and Tea Leaf
Dahil sa kanilang malinis na ambiance, naiibang coffee and tea mixes at maayos na customer service, ang CBTL ang isa sa pinakabinibisitang kapihan ng mga Pinoy na gustong magrelax o magchill. Flavorful, reasonably-priced at napaka-cozy ng mga CBTL branches sa bansa.
4. Bo's Coffee
Ang Bo's Coffee ay isang high-end coffee shop na naghahatid ng mga serbisyong at produktong tugma sa mga pangangailangan ng mga high society coffee drinkers. Kalat na rin ang kanilang mga branches sa bansa
3. Figaro
Kilala bilang isang kapihan na sumasagot sa mga pangangailangan ng health-conscious na market, nakakakaya nilang makipagsabayan sa ibang kapihan sa bansa
2. Gloria Jean's
Personalized service, fun coffee flavors at strategic locations ang panlaban ng Gloria Jean's kung kaya't isa sila sa mga tinatangkilik na kapihan sa bansa. Pinakasikat sa Gloria Jean's ang Chocolate macadamia Coffee.
1. Starbucks
With more or less 135 branches sa Manila lamang, hindi makakaila na ang Strabucks ang pinakanangungunang kapihan sa bansa. Naging household name na sila at patuloy na nagiging patok sa iba't-ibang miyembro ng lipunang Pilipino.
Mga Katulad na Artikulo
Curiosity Caught the Chemist: Who is the woman in the Starbucks logo?
Problematic Philippines: Starbucks Frappuccinos as Profile Pictures
Coffee breaks: Bo's Coffee
F as in Figaro, F as in Failure

No comments:

Post a Comment