Alas dose ng gabi,
'Di ko napapansin ang paglipas ng oras,
Sa kakaisip sa aking anak,
Lubos akong nangungulila
Sa kabilang mesa,
Ininom ko ang tasa [ng kapeng],
Dati'y para sa akin,
Ay malinamnam at humahagod sa sikmura
Ngunit ngayong gabi,
Ito'y naiwan kong malamig kasama ng palutang-lutang na damdamin
Ang kape,
Parang naramdaman ang aking iniisip,
Naging malamig,
Maging ang aking pagtimpla ay malabnaw
'Di bale, isang pamatid-uhaw sa paglipas ng oras
[Ngunit] malamig man ang kape ko sa magdamag,
Umaasa na bukas sa pag-gising,
Kasabay ng pagharap sa bagong umaga,
Ay muling malalasahan ang mainit na kape,
Ngunit [malao'y] malasa at matamis
Kape? Ka-Feel (Litrato ni Cris Bautista)
ok ah matalinghaga pala si myra. galing naman!
ReplyDelete