Isang orihinal na storya / kwento ang inilahad ulit ng aming kasamang makata na si Airah Luy. Ito ay may relasyon ulit sa aming tema: SHOES
SHOE RESIGNATION
(Based on my true experience last July 15, 2012)
Sa kamamadali kong maging maaga sa church last Sunday, hindi ko napansin na sira na pala ang sapatos ko. Imbis na smiling lips, isa na itong tilang humahalakhak sa sobrang laki ng sira. Naipakita ko pa ito kay Hanna at waring pinagmamalaki ko pa ang aking kapabayaan sa aking sapatos. Nasabi ko na lang sa aking sarili, "sayang galing pa naman ito kay Baby Cris".
Thursday, dumaan ako sa Metropolis. Naghanap ako ng sapatos. Sa sobrang dami di ako makapili, at nang makapili naman ako hindi kasya sa budget. Sinabi ko nalang sa sapatos, " Babalikan kita, sana hintayin mo ako." Kung alam lang kumanta ng sapatos siguro kinanta na rin nya para sa akin yung "Heaven Knows". "If she comes back in time, I know she's mine"
Napansin ko ang "LOVE" para palang paghahanap ng sapatos. Una sa lahat dapat bagay kayo sa isa't isa--Comfortable at Compatible. Aanhin mo ang magandang sapatos kung hindi naman kasya sayo? Masasaktan ka lang at mahihirapan. Kapag sa puso, aanhin mo ang magandang mukha kung hindi kayo magkasundo, mag-aaway lang kayo at masasaktan.
Dapat siguro pag nahanap mo na ang Perfect Shoes, bilhin mo na agad. Wag ka nang magdalawang isip lalo na at may pera ka. Kung sa tao naman, kapag naramdaman mung siya na ang nararapat sayo. wag mo nang antayin na maagaw ng iba.
Dahil lang sa nasirang sapatos, nakapagsulat na ako ng ganitong kwento. Kung ano-ano na ang narealize ko.
"Shoes, I accept your resignation. Salamat sa two-weeks nating pagsasama"
Truly yours,
Airah Luy